Posted by zette
at 03:11 AM on June 23, 2008
|
|
Share ko lang sa inyo kung ano ang mga bagay bagay na
kailangang Iconsider at paghandaan pag naglipat or nagpaplanong lumipat ng bahay?.
- Check kung ok ang tubig, kung may sarili kang
toilet and lababo.
- Check ang bubong if tumutulo ba or may leakage
kung sementado man, kung medyo may pagka spiderman kayo silipin nyo gutter baka
sandamakmak na ang basura na nandun.(sa ngayon foam p lang naman ang basa and
unan ng kapatid ko)
- Check mo din if ok ba ang mga neighbors mo?
- Check mo din ang mga open wires baka mamya
konting tubig lang magspark na. (Na miss kong icheck to dati.)
- Check mo din if binabaha ang area, or kung hindi naman sya bahain
tingnan din kung san ang bagsak ng tubig galing s bubong ng kapitbahay nyo baka
salo ng bahay nyo lahat.
- 5 months before magsave na din ng pambayad sa
rent? kasi bibihira na ngayon na 1 month advance and deposit lang hinihinge ng
caretaker. (Sa ngayon, hanggang august na rent hiningi na. Hayzzzzzzzzzzzzz)
- 3 months before lumipat mag survey na para malaman kung san ang bilihan ng mga murang gamit. Kailangan din paghandaan ang mga basic gamit ? mga eating utensils, beddings, plantsa, gamit
panglaba and panligo, gamit panlinis, gas stove or super kalan lang muna if
kulang ang budget, cooking wares, (char
lang if noodles lang nman and prito pwede na kawali nalang and kaserola pwede na
yan). Kahit yan lang muna bilhin, next na ang refrigerator, washing machine, tv and
electric fan?
Dagdag nalang ako ulit if may madiscover na naman akong panibagong problem pagkauwi ko ng bahay mamya...